|
ABOUT
Mira Inigo. Malutong magmura, Mapanglait, Prangka at Sadistang Baliw. Future lawyer. Follow at your own risk.
A blog about me since October 2009. ♥ More? HERE and Tags for easy navigation. im single, happy and contented =) ![]()
LOOKING FOR? NAVIGATION FACTS TWITTER LIFE READ RANDOM SHORTCUTS Project 365 Photo-Journal - 2011. Project 366 Photo-Blog - 2012. 365 Quotes - 2013. Only me. Picture memories Quotes. Epic win lines The works. Listen. Textpooooost. Chitchat Challenges Nursing life Psychology life Birthday posts SEMBREAK 2011 ASK ME |
If I Fall, Chapter 54: Time Capsules - Barbara Ramirez
BARBS’ TIME CAPSULE VIDEO *stares at the camera for a minute* 5 minute-message? Are you fcking kidding me? Sayang lang laway ko sa pagsasalita sa harap ng camerang ‘to. Ano ba mapapala ko dito ha? Di ko nga alam kung buhay pa ako 30 years from now eh. *stares again* Fck, let’s get this over with. Ako si Barbara. Kung bata ka, baka kilala ako ng nanay mo. Kita mo itsura ko? Di talaga ako ganto. Mga g@go kasi mga kaklase ko, pinilit ako maging muse. Alam kong wala sa itsura ko ang maging muse, pakyu wag kang judgemental dyan! 30 years from now? Siguro patay nako. Morbid ba? We’ll never know, that’s why it happens, right? False optimism lang to. Masama ba? Sige, ayusin ko na. 30 years from now? Siguro isa nakong investigative journalist. Baka sa PDI or PhilStar na ko nagtatrabaho. Baka may bahay nako sa White Plains o kahit condo lang sa Serendra. O kahit saan na sosyal, just in case hindi na nag-eexist ang mga lugar na yun in the future. Marami akong gustong sabihin. Hindi ako emotionally stable ngayon. Itsura kong to, pinoproblema ang isang lalaki? P*ta lang diba? *laughs bitterly* De, ayoko na nga problemahin. Paker lang talaga diba? Pasakit sa ulo! Bakit ko pag-aaksayahan ng oras ang isang taong alam kong walang pakialam sakin? Na iiwan din ako? Sana inubos ko na lang sa ibang bagay ang pagsusunog ko ng neurons eh! Hindi sa kanya! Akala ko nung una.. okay lang na mag-open up sa kanya. He seems very nice to me kahit nakakainis sya. Akala nga, leche yang salitang yan. Bakit ba may konsepto ng akala? Hindi ba pwedeng makita na lang natin agad ang totoo sa hindi? Leche, kung wala yang AKALA, e di sana walang naaaksidente, namamatay at umaasa. P*ta lang kasi. Lalandi!!! Bakit ba ako ganto? Ewan. Kasalanan ko kasi. Of all guys, why him? Ang dami ko namang kaklase dun pero sya pa ang pinili ko. Leshe. Sarap tusukin ng hippocampus ko o dukutin ng medulla oblongata ko. Shet. Ano bang tinutukoy ko? *laughs* Sige, tutal ako lang naman makakaalam nito. And if ever man mapanood to 30 years from now, di rin nila maiintindihan. Baka kasi wala nang Wattpad nun. Makakalimutan na ng mundo ang YTOTIW. Atin-atin lang to ha? Alam mo ba yung Wattpad? Website yun for online stories. May isang story dun, yung You’re The One That I Want. Shet ang corny ng title diba? Alam mo ba kung sinong author nun? Si notanotherfairytale. Ako si notanotherfairytale ng Wattpad. Isa akong teen fiction writer. That’s right. Ang isa sa non-conformists ng Charleston Academy, maton.. ay isang writer. Based yon sa buhay ko, ng mga kaibigan ko.. at lalo na nung eps na si Cyrus Casabueno. *stares* *laughs hard* T@NGINA FEEL NA FEEL KO PA!!! AYAN!! AKO SI NOTANOTHERFAIRYTALE! KELAN MAN DI NYO MALALAMAN NA AKO YUN!!! Kung mapapanood man to ng batchmates o readers ko 30 years from now, tawanan nyo na lang. Kasi walang kwenta yon. (Source: mirachan) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→ If I Fall, Chapter 54: Time Capsules - Cyrus Casabueño
CYRUS’ TIME CAPSULE VIDEO Konti lang naman ang sasabihin ko, this won’t take much of your time. 30 years from now? Maybe.. engineer na ako or something. O di kaya journalist. O kung anuman. Heck, I can’t decide for myself. Hindi ko naman hawak ang buhay ko eh. Kung pwede nga lang nating piliin ang mga mangyayari satin, e di sana masaya tayo. Kaso hindi. Come to think of it, medyo selfish tayo pag ganun. Pero panget din naman na masyado tayong fatalist. Ano ba tong pinagsasabi ko? Sa ngayon.. bahala na sa hinaharap. Ieenjoy ko muna kung anong meron ako. Pag masyado kong naghangad ng mga bagay-bagay, baka hindi mabigay sakin. One at a time muna. Nakakatakot ba ang future? Oo naman. Lahat naman ng mga bagay na hindi natin alam e nakakatakot diba? Nagtatapang-tapangan tayo para makaya natin. Wala kasi tayong magagawa kung puro takot ang papairalin natin. Tiwala lang. If it’s meant to be.. then it is. (Source: mirachan) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→ If I Fall, Chapter 54: Time Capsules - Chester Sison
CHESTER’S TIME CAPSULE VIDEO Alam nyo bang matagal ko nang pinagpapractisan tong sasabihin ko para dito? *smiles* Kaso ngayon.. hindi ko na alam kung yun pa ba ang gusto ko. Ang bilis kasing nagbago ng lahat. Kasalanan ko talaga. Gusto ko syang makasama.. pero naguguluhan ako. Hindi ko alam kung mali ba tong ginagawa ko. Mukhang okay naman ako.. kaso nawawala naman sila sa kin isa-isa. Si Janine.. mahal ko si Janine. Kaso ayoko syang madamay sa pinoproblema ko ngayon. Ang kumplikado na kasi ng buhay nya. Hindi ko rin kayang maging malakas para samin dalawa kasi kailangan ako ng pamilya ko. Sabi sakin ni Barbs.. may Messiah Complex daw ako *smiles* Ngayon naniniwala na ako sa kanya. Yung mga maliliit na bagay kaya kong iligtas.. pero etong mga ganto? Bakit hindi ko magawang ayusin? May support group ako, kasama dun si Jenica. Hindi ko naman sya maiwanan kasi kami lang naman ang nagkakaintindihan ngayon. Kaso nagdadalawang-isip ako.. yun ba talaga ang rason kung bakit nya ako sinasamahan o meron pang iba? Nga pala, high school lang ako ah. Baka akalain nyong 20 something na ako. Kung mapapanood ko man to 30 years from now.. sana tatawanan ko na lang ‘to. Maybe this is just an obstacle before I reach something better. And I think I deserve that better, and hopefully in the end.. it’s still with her. (Source: mirachan) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→ If I Fall, Chapter 54: Time Capsules - Janine Kitagawa
JANINE’S TIME CAPSULE VIDEO 30 years from now? Hmm.. By that time siguro I am Mrs. Janine Sison, married to Dr. Chester Sison. *laughs* Who am I kidding? Masama bang mangarap? *sighs* 4 months to go. All I could think about is kung magkakaayos pa ba kami. Matutupad ko pa ba ang goal ko? *smiles* I depended on him too much.. and now na hindi kami magkasama, it’s so unnerving. Feeling ko hindi ko kaya. But I have to be strong. Isa na siguro tong sign na dapat maging independent ako. Time’s ticking. Kung pwede nga lang high school na lang forever di na talaga ako aalis dito *laughs* Okay lang sakin na magbago ang lahat, basta wag lang ang friendship na nakuha ko dito. Okay lang sakin na di kami magkatuluyan.. at least I had the chance to experience this. Blessing na sila sakin, after all that happened to me. So.. kung may high school friends kayo.. cherish them, okay? Mapapalitan man sila ng ibang kaibigan, dapat may place pa rin sila sa puso mo. Kasi isa sila sa mga dahilan kung magiging ano ka sa future. (Source: mirachan) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→ If I Fall, Chapter 54: Time Capsules - Rachelle Anne Rodriguez
ROCKY’S TIME CAPSULE VIDEO *nag-aayos ng buhok* Nagrerecord na siguro noh? Hi! At hi sa aking.. 40-something na si Rachel Anne Rodriguez! Kamusta naman kaya ang itsura ko nun, diba? Puti na kaya buhok ko? I really don’t know what to say. Ayoko kasing magdrama about 4th year, college and that kind of stuff. May 4 months pa naman kami so walang dapat ikadrama diba? Ano nga bang gusto kong ishare? You see.. I have this close friend. We’ve known each other since we’re kids. Magkakapitbahay nga kami eh! Sa iisang school lang din kami nag-aaral. Ayun, okay naman kami nung elementary. Dakilang epal na talaga sya dati pa. Ang malala pa, he was my first kiss. Nung Grade 6. That sucks! Kaya after that.. naging magkaaway kami. The normal love-hate relationship.Ganun. Pagpasok ng high school.. everything became worse. Basta, ang daming nangyari kaya nagkagalit talaga kami. Ayoko sa kanya kasi.. epal sya. Nawala yung batang kalaro ko dati na nakasuot ng Piglet na tshirt. *laughs* Just recently.. he confessed that he likes me. How screwed up is that, huh? Ewan ko.. I don’t know how to react. I like him, as a friend. Nothing more. Siguro sasabihin ng iba na.. ay, jackpot ka na dyan teh! Ang gwapo, matalino.. lahat na! Wala ka nang itatapon! Pero bawasan lang ang kayabangan! HAHAHA! Yeah, I see those things.. but what really bothers me is that.. Is he serious about this? Kaya nga may konsepto ng ligaw para makilala mo yung tao. I get that. Pero applicable ba yun sa mga taong matagal nang magkakilala? Nakakalito lang kasi eh. Si Wes yon. Oh sh*t. Sa mga nanonood nito, tatay ba ng isa sa inyo si Wes? HAHAHA! Patay tayo dyan! *laughs* Hindi mo alam kung nagbibiro sya o seryoso. Kahit sabihin kong familiar na kami sa isa’t isa, may times na ang hirap nyang basahin nakakainis!!! Di ko nga alam ang gagawin ko. Contrary to what they say, madali lang naman ang magmahal. But.. do you know what’s the scariest thing about love? Giving your heart, that the scariest part for me. Lahat naman kasi tayo e masasaktan.. kaso sana may preamble diba? (Source: mirachan) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→ If I Fall, Chapter 54: Time Capsules - Kristina de Asis
TATIN’S TIME CAPSULE VIDEO *smiles* Hi. I’m Kristina de Asis. Head cheerleader ng Charleston Ravens. And.. I don’t know what to say. I really hate speeches. Speaking in public is one of my weaknesses. Ayoko kasing magmukhang seryoso, kasi di raw bagay sakin. I’ll tell you a secret. I can trust you naman, diba? I’m a recovering anorexic. *smiles* Obvious naman diba? I’m too thin. People call me ‘Tatin Tingting’ behind my back. Totoo naman eh. And I hate this. Ayokong mastereotype pero.. look at me. I’m like a prized Barbie doll. All smiles.. girl-next-door. Fck, I don’t want to be that girl forever. Siguro 30 years from now.. hindi na ako ganito. Sana malaman na ako by then *laughs* Kasalanan ng nanay ko kaya nagkaganito ako eh. In order to please her, I must maintain my thin frame. Kulang na lang katulad na ako ng starving children of Africa. What else? My ex and I got back together. Until now nagtataka ako kung bakit nya ako binalikan. Ayokong mag-isip ng kung anong negative tungkol dun. Pero sometimes I feel like I don’t deserve him, after what I did to him. They’re right, I’m such a b*tch. Gusto ko na grumaduate! Para makaalis nako dito. Para makalayo nako sa Mom ko. I hate her. To my 40 year old self.. please, don’t be like her. Please. (Source: mirachan) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→ If I Fall, Chapter 54: Time Capsules - Vivien Padilla
VIVIEN’S TIME CAPSULE VIDEO Hi! Sana mapanood to ng 40 something na si Vivien. Maabutan ko pa ba to? Uhh.. reflections about high school life? Masaya ang high school! Akala ko nung una.. corny kasi hindi ako pumasok sa isang science high. Boring, hindi challenging.. mga ganun. But I was wrong. Enjoy pala talaga ang high school! I am really thankful na dito ako pumasok. Siguro kung sa ibang school ako naghigh school, hindi ko maeexperience ang mga bagay bagay na ‘to. Si Vivien na teenager? Eto, bookish pa rin. Running for valedictorian. Striving to be perfect as much as possible. I devoted my life to studying, kasi dun lang ako nag-eexcel. Sa ibang bagay kasi.. medyo tagilid ako. Hindi ko rin nareach ang goal ko na maging perfect. Everything’s fine until I realized.. I was in love with a guy who could never love me back. *smiles* This is my third time already. Nothing changed. At sa lahat pa ng tao, sa teacher ko pa. Clichèd masyado noh? Samin kasi.. siguro sobrang labo na maging more. That’s because both of us can’t handle ‘more’. Yeah I know.. this sucks. High school naman, may college pa. Malay natin sa college mahanap ko na yung pwede kong paglaanan ng more, diba? Bakit ko ba ‘to pinoproblema? *sighs* Ewan. I should think about my acads and stuff. Mas madaling ihandle yun at may concrete nang sagot. Kesa problemahin ko ‘tong love na ‘to. Sa 40-year old Vivien na nanonood nito, wag kang umiling dyan! Hindi ko alam kung ano ang magiging result ng mga pinagagagawa ko ngayon. Hindi ko rin alam kung.. nagkatuluyan kayo. Wag mo akong sisisihin ha? Bata lang ako, clueless pa sa buhay. Ineenjoy ko lang kung anong meron ako ngayon. Para may masabi akong akin. (Source: mirachan) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→ If I Fall, Chapter 54: Time Capsules - Wesley Rodriguez
WES’ TIME CAPSULE VIDEO *inaayos ang camera* Hello hello.. nagrerecord na ba to? *inayos ulit* Ayan. Better! Hello! Ang gwapo ko noh? Haha! Para sa mga makakanood nito 30 or 40 years from now.. ganito kagwapo ang mga tao noong 2000’s. Baka kasi mala-Jetsons ang itsura nyo or kung anumang pang sci-fi movies. Nakakalipad na ba ang mga sasakyan dyan? Ako nga pala si Wesley Rodriguez.. ang incumbent SC President ng Charleston Academy. Isa rin ako sa pinakagwapong player ng Ravens. Itanong nyo pa sa mga lola nyo na batchmates ko, naging crush nila ako nyan! Hmmm.. where do I see myself 30 or 40 years from now? Baka naglalaro na ako for Lakers. Lakas makapangarap noh? *laughs* De.. saan ba? Ano.. Siguro isa na akong atomic physicist. Tapos makakadiscover ako ng bagong element na papangalanan kong Weslinium. Baka may Nobel Prize for Physics na rin ako nun. Seryoso ba gusto nyo? Baka lawyer na ako ng mga panahong yon. Ewan. Hindi ko alam. Depende pa siguro kung susundin ko tatay ko. Gusto nya akong maging lawyer para may magtuloy ng law firm namin. Bahala na. Ano pa ba? Ano.. masaya naman ang high school. Medyo seryoso na medyo hindi. Parang ganun. Syempre bata pa eh, wala pa sa real world. Pero alam nyo.. kung mabibigyan ako ng chance na makabalik sa nakaraan.. aayusin ko talaga buhay ko. 23 girlfriends? Pucha. Kung alam nyo lang. Magloko sa pag-aaral? Psh. I somehow regret the things I’ve done before. Kung alam ko lang na makakaapekto yun sa ngayon.. Siguro.. *smiles* siguro kung nagpakatino ako dati.. e di sana hindi na ako mahihirapan ngayon diba? Siguro.. masaya na ako ngayon.. kasi kasama ko na sya. Kaya kayo.. ayusin nyo ang buhay nyo. Kung alam nyong mali ang gagawin nyo, wag nyong gawin. Akala nyo okay lang kasi nakaraan, pero leche kasi yan. Ang laking epekto sa future. 30 years from now? Sana.. magkasama pa rin kami. Baka sya ang physicist saming dalawa. Tapos.. baka may pamilya na kami. *laughs so hard* T@ngina ano ba tong pinagsasabi ko? Friendzoned nga ako eh! Sino bang nagsabi sa kin nun? Ay, si Anais, kapatid ko. Sabi nya sakin wag ko raw masyadog seryosohin tong nararamdaman ko para sa kanya kasi high school pa raw kami. Sino ba sya para magdikta ng nararamdaman? Ikaw lang naman ang makakapagsabi kung totoo ba yang nararamdaman mo o hindi eh. *smiles* 30 years from now, Wes. Baka mapanood nya ‘to.. pero sana sabay naming mapanood to. Tapos ipagyayabang ko na natupad yung nasa time capsule ko. Ayos ba? (Source: mirachan) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→
(via thegirlinkhakis) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→
(via bluelady) ♥READ COMMENTS♥REBLOG THIS POST→ |